Unlimited Sharing


Dalawang linggo na ata ang nakakalipas buhat ng makita ko sa dati kong kwarto yung unang imbitasyon ng "First Painting Exhibit" ko. Nagulat ako dahil unang-una di naman ako nakapagtabi nun bilang remembrance (medyo sentimental kasi ako sa mga bagay na una sa akin). Ang number 1 fan ko pala ang nakapagtago nun (syempre yun ay ang aking ina) siguro kaya niya nilagay sa kwarto ko yun dahil halos dalawang buwan na niya ko nakikitang miserable at walang direksyon (at hindi niya alam kung bakit dahil na rin sa di naman ako nagkwekwento sa kanya sa nakalipas na 2 buwan). Sa totoo lang balak ko ulit magpinta, balikan ang mga bagay-bagay na bumubuo sa aking sarili, yung dating ako... baka sakali mabuo ko ulit ang basag kong pagkatao. Masyado akong naapektuhan nitong huling dalawang buwan sa mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko inaasahan, marahil na din siguro sa hindi ko iniingatan at naprotektahan ang aking puso sa mga bagay-bagay na maglulugmok sakin sa lungkot ng kawalan. Kaya't heto ako muli, nagsisimula sa umpisa. Kaya sa darating na sweldo magsisimula na ako magpundar ng gamit, sabik na ako na muli makapagpinta...

"Painting is a blind man's profession. He paints not what he sees, but what he feels, what he tells himself about what he has seen."
- Pablo Picasso


+++++

Nung linggo a-otso ng agosto dosmil dyes, sakto nakalipat kami ng bagong tirahan pero ganun pa man nangungupahan pa din kami. Anak namang kasi ng pitong pagong, sabi ng gobyerno madali na daw magkakabahay ang maralitang Pilipino, pero ang totoo hindi pa din abot kamay ng isang simpleng manggagawa ang simpleng pabahay sa taas ng cost of living dito sa Pilipinas dahil na din sa mababang pasahod, patuloy na pagtaas ng bilihin at hindi sapat na kita ng pinoy upang tustusan ang pang araw-araw na pangangailangan. Kung bakit kami lumipat eh simple lang ang sagot ko dyan, mahirap kasi na ma-ondoy. Halos mag-isang taon na buhat ng binaha kami ng lampas tao, halos maubos lahat ng pinundar ng aking pamilya. Madami kami kagamitan na hindi na napakinabangan, lalo na yung mga antigo naming muwebles (na pamana pa ng nanay ng nanay ko), pero ganun pa man nagpapasalamat ako at ligtas ang aking pamilya. Mas madali kasing palitan ang materyal na bagay kesa sa buhay.

rent (rent)
noun
a stated return or payment for the temporary possession or use of a house, land, or other property, made, usually at fixed intervals, by the tenant or user to the owner
OBSOLETE
real estate or other property yielding an income
income; revenue
ECON.
income from the use of land
an additional amount paid or accruing to the owner of an economic resource, as a tract of land, that is the result of some special or unique attribute, as a desirable location

- www.yourdictionary.com


+++++

Balikan ko muli yung ang nakalipas na 2 buwan.... masyadong masalimuot at miserable ako ng mga nagdaang buwan na yaon... halos lunurin ko ang sarili ko sa serbesa at ilugmok ang sarili ko sa sandamukal na trabaho. Pero ngayon masasabi ko na after those dark days of my life, muli ko sinisimulan ang buhay ko, sabi nga nila let go and move on. Rise and shine Franz!!!

There's so much I want to say now
But it's too late i know
There's no way to heal these wounds now
And my heart bleeds for you

And our love is crashing
Like a tidal wave
Coming over me

So I wanted you to know
That i finally let you go
After all i've held on to
This is my goodbye to you
I was always there for you
But you never saw the truth
And the reason that i know
Is i've finally let you go

Yesterday you were my best friend
But tomorrow took you away
There's not much for me to say now
Just goodbye, farewell

And our love is crashing
Like a tidal wave
Coming over me

And every time i close my eyes
My heart is bleeding deep inside
But now my eyes are open
And i'm never gonna be the one for you
The one for you

I finally let you go
Let you go
Let you go so this is my goodbye to you.

- Breaking Point