![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjQSptvnhCDVa_JVpsMHg64VkF0xuEjF0E9fUi5Sn8Ccpv_JHKd5Ge7Riyp_uT3jgaJxaScwO1s7A2invu3IbQPkHkTypo3G9r52fG-gcih0zOomJvhf9qz-PnIkVW7aJXXUlH5NlYl6c4/s320/post-5903-1235172326.jpg)
Masarap balikan at alalahanin ang childhood days. Bakit? kasi eto yung mga panahon na ang iniintindi mo ay kung pano ka mageenjoy bilang bata. Dito din nabubuo ang mga misadventures, kagaya ng natuka ka ng manok dahil ninenenok mo ung itlog ng inahin ng kapitbahay niyo o di kaya naman eh pag brownout tatanungin mo nanay at tatay mo kung pati ba ang mga dyip at mga traysikol eh apektado ng brownout, o di kaya naman sisilipin mo ung pridyider niyo kung namamatay ba ang ilaw pag sinasara ang pinto. Kaya halika't simulan natin ang mga adventures at misadventures ko ng kabataan ko.
+++++
Hindi ko alam kung ano pumasok sa kukote ko kung bakit ng kindergarten ako eh ayokong kakain pag recess at matutulog pag nap time na, basta't ang tanging nasa isip ko pakiramdam ko eh ako si Hansel (yung fairytale story na Hansel & Gretel) na binubusog ako ng teacher ko pagkatapos pag tumaba ako eh lulutuin at kakainin niya ko, kagaya ng ginagawa ng huklubang mangkukulam sa istorya ng Hansel at Gretel.
Hindi ko naman pingarap na maging environmentalist nung bata ako, pero sabi ng lola ko pag nakakita ako ng mga leafy vegetables o di kaya naman ng mga luntian halaman eh diligan ko daw. BINGO! pagbukas ko ng pridyider namin nakita ko ang mga gulay, syempre ang paalala ng lola ko, DILIGAN lahat ng makikita kong halaman at gulay.
Casualty:
Pinaluhod ako sa munggo.
Masyadong malikot ang imahinasyon ko nung bata ako, marahil kaya din siguro ko kinuha ang kursong Fine Arts. Ewan ko ba kung bakit sa dinamidami ng pede kong pagdiskitahan noon eh ung isang boteng tasters choice ng kape pa ang nakita ko, dahil curious ako kung kukulay ba yung kape sa isang drum ng tubig, ayun tinaktak ko ung laman nung buong bote. Inferness, kumulay naman, di nga lng dark coffee ang itsura, kakulay nung mga kape na hinahain sa lamay at sa pasyon yung isang drum ng tubig na tinimplahan ng isang boteng kape.
Casualty:
Isang oras na pagtayo sa harap ng pader.
Ayoko ng laruan barbie nung bata ako, pag my ngbibigay sakin nun, nakupow daig pa ng barbie ang kadete ng PMA, kalbo ang aabutin paniyak sakin nun. Hindi ko din alam kung bakit nung bata ako eh yung mga collectibles ng starwars eh ilalagay ko sa baso na may tubig saka ko ilalagay sa pridyider namin. OLA! daig pa ng mga collectibles ko ang ice drop n pinatigas. Kakaiba trip ko ng kabataan ko. Hindi naman ako disturbed na bata noon. Masyado lang talagang malikot ang imahinasyon ko noon. Akalain mo ba naman yung punong sili sa bakuran namin eh ikiskis ko sa balat ko yung dahon, presto daig ko pa ang ginawang bicol express ng buhay, ang init pala sa balat ng dahon sili.
+++++
HIndi lahat ng bata eh kasing adbinturero ng childhood days ko, o kasing rangya ng pamumuhay na meron ako. Kung pede ko lamang ibahagi ang alaala ng kabataan ko sa mga tintawag na less fortunate children ay gagawin ko.
Halos tatlong linggo na kami nakakalipat sa bago naming tahanan. Kapuna-puna yung bata sa ikatlong pinto... hindi ko alam kung bakit napukaw niya ang antensyon ko. Marahil siguro sa impis na mukha at yayat niyang katawan. Batid ko na hindi kaaya-aya ang pamumuhay na meron sya sa pamilyang kumukupkop at nagbibigay kanlungan sa kanya. Bakas sa kanyang yayat na pisngi ang kasabikan na makapaglaro, palad na magkakanlong at magbibigay ng mapagarugang pagkanlong. Kamaikailan lamang, paguwi ko sa amin agd namutawi ng aking ina na dinig niya ang impit na pagiyak ng bata, halos madurog ang apat na sulok ng aming tahanan sa alingawngaw na iyak ng bata. Hindi man matumbok ng aking ina ng dahilan ng bawat impit ay paniyak na pingabubuhatan ng kamay ang bata.
Pangalawang araw ko ng di nakikita yung bata sa ikatlong pinto. Ang dalangin ko, nawa'y ayos lamang siya. Kung maaari ko lamang ibahagi ang aming tahanan sa kanya gagawin ko, nais kong busigin siya ng pagmamahal at pagaaruga ng aking ina kagaya. Kung maibabahagi ko lang sana kahit kapiranggot na karanasan ng aking pagkabata gagawin ko, maging kasing adbinturero ko lamang ang kabataan niya.
Hindi ko lam kung sa paano ko siya paraan matutulungan pero ang least na pede ko gawin ay idulog siya sa poong maykapal na sana'y gabayan siya at bigyan ng malusog na pangangatawan at busgin ang kanyang pagkatao ng pagmamahal.