Kwentong Bata


Masarap balikan at alalahanin ang childhood days. Bakit? kasi eto yung mga panahon na ang iniintindi mo ay kung pano ka mageenjoy bilang bata. Dito din nabubuo ang mga misadventures, kagaya ng natuka ka ng manok dahil ninenenok mo ung itlog ng inahin ng kapitbahay niyo o di kaya naman eh pag brownout tatanungin mo nanay at tatay mo kung pati ba ang mga dyip at mga traysikol eh apektado ng brownout, o di kaya naman sisilipin mo ung pridyider niyo kung namamatay ba ang ilaw pag sinasara ang pinto. Kaya halika't simulan natin ang mga adventures at misadventures ko ng kabataan ko.

+++++

Hindi ko alam kung ano pumasok sa kukote ko kung bakit ng kindergarten ako eh ayokong kakain pag recess at matutulog pag nap time na, basta't ang tanging nasa isip ko pakiramdam ko eh ako si Hansel (yung fairytale story na Hansel & Gretel) na binubusog ako ng teacher ko pagkatapos pag tumaba ako eh lulutuin at kakainin niya ko, kagaya ng ginagawa ng huklubang mangkukulam sa istorya ng Hansel at Gretel.

Hindi ko naman pingarap na maging environmentalist nung bata ako, pero sabi ng lola ko pag nakakita ako ng mga leafy vegetables o di kaya naman ng mga luntian halaman eh diligan ko daw. BINGO! pagbukas ko ng pridyider namin nakita ko ang mga gulay, syempre ang paalala ng lola ko, DILIGAN lahat ng makikita kong halaman at gulay.

Casualty:
Pinaluhod ako sa munggo.

Masyadong malikot ang imahinasyon ko nung bata ako, marahil kaya din siguro ko kinuha ang kursong Fine Arts. Ewan ko ba kung bakit sa dinamidami ng pede kong pagdiskitahan noon eh ung isang boteng tasters choice ng kape pa ang nakita ko, dahil curious ako kung kukulay ba yung kape sa isang drum ng tubig, ayun tinaktak ko ung laman nung buong bote. Inferness, kumulay naman, di nga lng dark coffee ang itsura, kakulay nung mga kape na hinahain sa lamay at sa pasyon yung isang drum ng tubig na tinimplahan ng isang boteng kape.

Casualty:
Isang oras na pagtayo sa harap ng pader.

Ayoko ng laruan barbie nung bata ako, pag my ngbibigay sakin nun, nakupow daig pa ng barbie ang kadete ng PMA, kalbo ang aabutin paniyak sakin nun. Hindi ko din alam kung bakit nung bata ako eh yung mga collectibles ng starwars eh ilalagay ko sa baso na may tubig saka ko ilalagay sa pridyider namin. OLA! daig pa ng mga collectibles ko ang ice drop n pinatigas. Kakaiba trip ko ng kabataan ko. Hindi naman ako disturbed na bata noon. Masyado lang talagang malikot ang imahinasyon ko noon. Akalain mo ba naman yung punong sili sa bakuran namin eh ikiskis ko sa balat ko yung dahon, presto daig ko pa ang ginawang bicol express ng buhay, ang init pala sa balat ng dahon sili.

+++++

HIndi lahat ng bata eh kasing adbinturero ng childhood days ko, o kasing rangya ng pamumuhay na meron ako. Kung pede ko lamang ibahagi ang alaala ng kabataan ko sa mga tintawag na less fortunate children ay gagawin ko.

Halos tatlong linggo na kami nakakalipat sa bago naming tahanan. Kapuna-puna yung bata sa ikatlong pinto... hindi ko alam kung bakit napukaw niya ang antensyon ko. Marahil siguro sa impis na mukha at yayat niyang katawan. Batid ko na hindi kaaya-aya ang pamumuhay na meron sya sa pamilyang kumukupkop at nagbibigay kanlungan sa kanya. Bakas sa kanyang yayat na pisngi ang kasabikan na makapaglaro, palad na magkakanlong at magbibigay ng mapagarugang pagkanlong. Kamaikailan lamang, paguwi ko sa amin agd namutawi ng aking ina na dinig niya ang impit na pagiyak ng bata, halos madurog ang apat na sulok ng aming tahanan sa alingawngaw na iyak ng bata. Hindi man matumbok ng aking ina ng dahilan ng bawat impit ay paniyak na pingabubuhatan ng kamay ang bata.

Pangalawang araw ko ng di nakikita yung bata sa ikatlong pinto. Ang dalangin ko, nawa'y ayos lamang siya. Kung maaari ko lamang ibahagi ang aming tahanan sa kanya gagawin ko, nais kong busigin siya ng pagmamahal at pagaaruga ng aking ina kagaya. Kung maibabahagi ko lang sana kahit kapiranggot na karanasan ng aking pagkabata gagawin ko, maging kasing adbinturero ko lamang ang kabataan niya.

Hindi ko lam kung sa paano ko siya paraan matutulungan pero ang least na pede ko gawin ay idulog siya sa poong maykapal na sana'y gabayan siya at bigyan ng malusog na pangangatawan at busgin ang kanyang pagkatao ng pagmamahal.

Unlimited Sharing


Dalawang linggo na ata ang nakakalipas buhat ng makita ko sa dati kong kwarto yung unang imbitasyon ng "First Painting Exhibit" ko. Nagulat ako dahil unang-una di naman ako nakapagtabi nun bilang remembrance (medyo sentimental kasi ako sa mga bagay na una sa akin). Ang number 1 fan ko pala ang nakapagtago nun (syempre yun ay ang aking ina) siguro kaya niya nilagay sa kwarto ko yun dahil halos dalawang buwan na niya ko nakikitang miserable at walang direksyon (at hindi niya alam kung bakit dahil na rin sa di naman ako nagkwekwento sa kanya sa nakalipas na 2 buwan). Sa totoo lang balak ko ulit magpinta, balikan ang mga bagay-bagay na bumubuo sa aking sarili, yung dating ako... baka sakali mabuo ko ulit ang basag kong pagkatao. Masyado akong naapektuhan nitong huling dalawang buwan sa mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko inaasahan, marahil na din siguro sa hindi ko iniingatan at naprotektahan ang aking puso sa mga bagay-bagay na maglulugmok sakin sa lungkot ng kawalan. Kaya't heto ako muli, nagsisimula sa umpisa. Kaya sa darating na sweldo magsisimula na ako magpundar ng gamit, sabik na ako na muli makapagpinta...

"Painting is a blind man's profession. He paints not what he sees, but what he feels, what he tells himself about what he has seen."
- Pablo Picasso


+++++

Nung linggo a-otso ng agosto dosmil dyes, sakto nakalipat kami ng bagong tirahan pero ganun pa man nangungupahan pa din kami. Anak namang kasi ng pitong pagong, sabi ng gobyerno madali na daw magkakabahay ang maralitang Pilipino, pero ang totoo hindi pa din abot kamay ng isang simpleng manggagawa ang simpleng pabahay sa taas ng cost of living dito sa Pilipinas dahil na din sa mababang pasahod, patuloy na pagtaas ng bilihin at hindi sapat na kita ng pinoy upang tustusan ang pang araw-araw na pangangailangan. Kung bakit kami lumipat eh simple lang ang sagot ko dyan, mahirap kasi na ma-ondoy. Halos mag-isang taon na buhat ng binaha kami ng lampas tao, halos maubos lahat ng pinundar ng aking pamilya. Madami kami kagamitan na hindi na napakinabangan, lalo na yung mga antigo naming muwebles (na pamana pa ng nanay ng nanay ko), pero ganun pa man nagpapasalamat ako at ligtas ang aking pamilya. Mas madali kasing palitan ang materyal na bagay kesa sa buhay.

rent (rent)
noun
a stated return or payment for the temporary possession or use of a house, land, or other property, made, usually at fixed intervals, by the tenant or user to the owner
OBSOLETE
real estate or other property yielding an income
income; revenue
ECON.
income from the use of land
an additional amount paid or accruing to the owner of an economic resource, as a tract of land, that is the result of some special or unique attribute, as a desirable location

- www.yourdictionary.com


+++++

Balikan ko muli yung ang nakalipas na 2 buwan.... masyadong masalimuot at miserable ako ng mga nagdaang buwan na yaon... halos lunurin ko ang sarili ko sa serbesa at ilugmok ang sarili ko sa sandamukal na trabaho. Pero ngayon masasabi ko na after those dark days of my life, muli ko sinisimulan ang buhay ko, sabi nga nila let go and move on. Rise and shine Franz!!!

There's so much I want to say now
But it's too late i know
There's no way to heal these wounds now
And my heart bleeds for you

And our love is crashing
Like a tidal wave
Coming over me

So I wanted you to know
That i finally let you go
After all i've held on to
This is my goodbye to you
I was always there for you
But you never saw the truth
And the reason that i know
Is i've finally let you go

Yesterday you were my best friend
But tomorrow took you away
There's not much for me to say now
Just goodbye, farewell

And our love is crashing
Like a tidal wave
Coming over me

And every time i close my eyes
My heart is bleeding deep inside
But now my eyes are open
And i'm never gonna be the one for you
The one for you

I finally let you go
Let you go
Let you go so this is my goodbye to you.

- Breaking Point