Experiment
Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya dahil unang-una makakasakit ka lang. Di naman din biro ang mag-invest ng pagmamahal sa isang tao tapos at the end malalaman mo scapegoat ka lang nya. Wala yang pinagkaiba sa mga palaka, pusa at daga na dinadisect sa science laboratory, kumbaga eh isa kang experimental subject na kapag nabulatlat na nya ang kalooblooban mo itatapon ka na lang sa basurahan o sa kawalan. Minsan kahit gaano ka kasinsero sa taong gusto mong mahalin hindi sapat ang ipakita at hubaran ang iyong sarili upang maipakilala at maiparamdam kung gaano ka katapat sa hangarin mo sa kanya, dahil sa kabila ng lahat ng ito paulit-ulit mo pa din papatunayan at bibigyang pruweba ang iyong sarili. Saklap di ba? Pero yan ang realidad eh, wala kang magagawa unless sumuko ka na lang. Pero ako, hindi siguro ako susuko kahit nakakapagod na patunayan ang sarili ko sa taong gustong gusto ko, baket? simple lang, gusto ko eh, at handa akong isugal ang lahat kahit sa huli ako ang masasaktan. At least at the end of it wala akong what if at buts. Nagawa ko ang dapat kong gawin. Nasa kanya na lang yun kung pahahalagahan niya kahit mumunti kong ginagawa. Kung di man maapreciate sorry na lang ako at last but not the least ayoko siguro magexpect na in-return mamahalin niya ko kagaya ng pagmamahal na ginagwa ko sa kanya.. Tragic..