![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhExeHuXtR8RG3zv3uyoECJbmZ846pDKCE4w4ntQUV8H0UbEkXwSuCgkAQigfzn_W086HvgFKffyLWJVnQToe8Eypq_8AmXGyUHyEk7g2GCj3yQuywYnDiIejp30qMV5XIxQaLsmYoueZc/s320/Letra.jpg)
sa'yo na ayoko nang pangalanan
Gusto kitang isa-letra ngayon. Hubugin ang iyong mga labi gamit ang aking mga salita; tukuyin kung pano uminog ang mundo sa iyong mga mata; kung pano mo kinulayan ang aking bawat umaga. Pero hindi kita maisulat. Nauubusan din siguro 'ko ng mga letra, o maaaring, ayaw na kong pahiramin ng mga ito. Sawa na rin siguro silang kumatawan sa paulit-ulit kong pagamit sa kanila para malaman mong may tinig pa pala ako, na nagbabakasakaling madinig mo. Walang ni isang letra ang sumitsit sa akin. Mamasdan na lang kita; mananatiling tahimik; ibabaon na ang aking tinig na patuloy na tumatawag sa'yo. Baka sakaling pag ginawa ko 'yon, mabaon ka na rin sa kahapon ko. Bakit? dahil samut-saring emosyon na ang naglalaro sa aking ligalig na pagkatao. Una, dahil sa di ko mawari kung ano ba ang esensya ko sa pagkatao mo; dahil pagkatapos kong hilumin ng halos tatlong buwan ang sarili ko muli mo binubulabog ang unti-unti na sanang pagaliwalas ng aking papawirin, pero dahil sadya atang naliligayahan ka sa tuwing nakikita mo na nadudurog mo ang pagkatao ko. Ikalawa, hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ka, dahil mistula kang halimaw na walang pusong gumugutay sa kaibuturan ng aking puso. Pero ganun pa man muli ko na nasisimulan ulit na balewalain ka, dahil ikaw na din ang gumagwa ng dahilan para kamuhian kita.
Sa susunod na makasalubong kita, maaring hindi na kita kilala o hindi ka na maalala na aking puso at pagkatao na minsan sa buhay ko ay naging bahagi ka.