Shattered




"I was never one to patiently pick up broken fragments and glue them together again and tell myself that the mended whole was as good as new. What is broken is broken - and I'd rather remember it as it was at its best than mend it and see the broken places as long as I lived.
- Margaret Mitchell"

Fallen




"Ika'y higit pa sa isanglibong anghel para sa akin at sa isanglibo kong sarili na mananatiling iyo..."

Braveheart




I'm invincible, undefeated & unconquerable... no other pain nor hatred can hold me back... am I?

Past, Present, Future



Hindi ako makapagsulat ng maayos ngayon. And dami ko pa namang gustong isulat, tulad ng alikabok na kumukulapol sa katawan ko tuwing papasok sa trabaho; ng hindi ko alam kung papano ko idedefine (importante siya sakin) pero mistula siyang anghel na kukunin ako at dadalhin sa isang lugar na siya lang ang nakakaalam; ng magulo kong isip dahil sa sangkatutak na mga bagay bagay na tumatakbo sa aking ulo; ng takot kung ano ang gagawin ko sa hinaharap; ng maraming tagyawat na halos pilit na nagaaklas sa aking pisngi dahil na rin sa lahat siguro ng ito.

ano na?

Hindi ko pa din alam. Hindi ko na malaman kung saang kalsada pa ba ako tatawid o dadaan o kung saang banda ba ako papunta upang maapuhap ko ang dapat na aking nasasakupan. Ni hindi na ako sigurado kung ang pananatili ko dito ay may esensya pa o marapat ko ng lisanin ang lugar na ito. Pero dapat ko bang hanapin ang tadhana ko o ang tadhana ko ang dapat humanap sakin?

o tapos?

Ni hindi ko nga alam kung paano at saan ko dapat simulan, yung ending pa kaya. Ano na ba nangyari? Parang hindi na ako ito. Dati alam ko kung ano ang dapat kong gawin; sigurado ako sa lahat ng aspeto sa buhay; ngayon hindi na. Sa ngayon pinagdadasal ko na lng kay Bro kung saan ba nya ako itinakdang dalhin which definitely contradict in my belief: we choose and make our own destiny. Pero minsan naiisip ko, baka naman dahilan ko na lang yung dasal ko para may pananggala ako sa tuwing matatalo ako at masasaktan. Siguro. Ano ba sa palagay mo?

Eh bukas? Paano na?

Ang bukas ay darating, kahit anong hadlang man ang gawin ko, hindi ko ito mapipigilan. Mangyayari ang dapat mangyari. At nakatadhana ang bawat yugto ng bukas.

Bahala na...

Kalsada


Nasira na ng lubak na kalsada ang lahat ng nasa hinaharap ko. Kung bakit naman kasi tinatapalan pa ng aspalto, kung pagkatapos ng ilang buwan lamang eh balik rin sa normal ang lahat... trapik uli, malubak at baku-bako. Kung sinemento na lang sana... siguro hindi ako nahuli para ayusin at asikasuhin ang baku-bakong buhay ko... Kung pwede lang sana...

Unresolved




ayoko nang tumingin sa 'yong mukha o kahit sa iyong larawan
dahil tila kidlat ka
na namang gigising sa natutulog ko nang alaala.
pano kung mamasdan ko na naman ang init
na hatid ng perlas mong mga mata?
pano mapapawi ang sunog na dadalhin nito?
hindi naman aagos ang pag-ibig mo tungo sa apoy na meron ako.
patawad, pipiliin kong hindi magmasid o tumingin man lang
sa mga mata mong dati humubog sa aking bawat araw.
ayoko nang muling lumutang-lutang
gaya nung araw na ika'y lumisan ng walang pakundangan.
hindi ko na tutulayin muli ang bawat letra ng 'yong pangalan.
dahil sawa na din naman sila na paulit-ulit kong bigkasin ng dahil sayo.
mali ako.
hindi ko mababagtas ang daan sa puso mo.

Mga titik at letra


sa'yo na ayoko nang pangalanan

Gusto kitang isa-letra ngayon. Hubugin ang iyong mga labi gamit ang aking mga salita; tukuyin kung pano uminog ang mundo sa iyong mga mata; kung pano mo kinulayan ang aking bawat umaga. Pero hindi kita maisulat. Nauubusan din siguro 'ko ng mga letra, o maaaring, ayaw na kong pahiramin ng mga ito. Sawa na rin siguro silang kumatawan sa paulit-ulit kong pagamit sa kanila para malaman mong may tinig pa pala ako, na nagbabakasakaling madinig mo. Walang ni isang letra ang sumitsit sa akin. Mamasdan na lang kita; mananatiling tahimik; ibabaon na ang aking tinig na patuloy na tumatawag sa'yo. Baka sakaling pag ginawa ko 'yon, mabaon ka na rin sa kahapon ko. Bakit? dahil samut-saring emosyon na ang naglalaro sa aking ligalig na pagkatao. Una, dahil sa di ko mawari kung ano ba ang esensya ko sa pagkatao mo; dahil pagkatapos kong hilumin ng halos tatlong buwan ang sarili ko muli mo binubulabog ang unti-unti na sanang pagaliwalas ng aking papawirin, pero dahil sadya atang naliligayahan ka sa tuwing nakikita mo na nadudurog mo ang pagkatao ko. Ikalawa, hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ka, dahil mistula kang halimaw na walang pusong gumugutay sa kaibuturan ng aking puso. Pero ganun pa man muli ko na nasisimulan ulit na balewalain ka, dahil ikaw na din ang gumagwa ng dahilan para kamuhian kita.

Sa susunod na makasalubong kita, maaring hindi na kita kilala o hindi ka na maalala na aking puso at pagkatao na minsan sa buhay ko ay naging bahagi ka.