![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhrvErMbBZdYBNT-KQk4AUqlYGMMUMZhCG7fcs8BtM92B74YsL_0qht8L6ZC8lij3ZbYPoEWGJEqBNy2mOp6tGzZV99ZdPoOYbMlf5DLII9kL-ge5ISUxMRO7Tv322hQgZoasrEdNIgnAs/s320/Letting_Destiny.jpg)
Hindi ako makapagsulat ng maayos ngayon. And dami ko pa namang gustong isulat, tulad ng alikabok na kumukulapol sa katawan ko tuwing papasok sa trabaho; ng hindi ko alam kung papano ko idedefine (importante siya sakin) pero mistula siyang anghel na kukunin ako at dadalhin sa isang lugar na siya lang ang nakakaalam; ng magulo kong isip dahil sa sangkatutak na mga bagay bagay na tumatakbo sa aking ulo; ng takot kung ano ang gagawin ko sa hinaharap; ng maraming tagyawat na halos pilit na nagaaklas sa aking pisngi dahil na rin sa lahat siguro ng ito.
ano na?
Hindi ko pa din alam. Hindi ko na malaman kung saang kalsada pa ba ako tatawid o dadaan o kung saang banda ba ako papunta upang maapuhap ko ang dapat na aking nasasakupan. Ni hindi na ako sigurado kung ang pananatili ko dito ay may esensya pa o marapat ko ng lisanin ang lugar na ito. Pero dapat ko bang hanapin ang tadhana ko o ang tadhana ko ang dapat humanap sakin?
o tapos?
Ni hindi ko nga alam kung paano at saan ko dapat simulan, yung ending pa kaya. Ano na ba nangyari? Parang hindi na ako ito. Dati alam ko kung ano ang dapat kong gawin; sigurado ako sa lahat ng aspeto sa buhay; ngayon hindi na. Sa ngayon pinagdadasal ko na lng kay Bro kung saan ba nya ako itinakdang dalhin which definitely contradict in my belief: we choose and make our own destiny. Pero minsan naiisip ko, baka naman dahilan ko na lang yung dasal ko para may pananggala ako sa tuwing matatalo ako at masasaktan. Siguro. Ano ba sa palagay mo?
Eh bukas? Paano na?
Ang bukas ay darating, kahit anong hadlang man ang gawin ko, hindi ko ito mapipigilan. Mangyayari ang dapat mangyari. At nakatadhana ang bawat yugto ng bukas.
Bahala na...