Unlimited Sharing Part-2
A-siyete ng Agosto Dos mil Dyes ganap na alas-otso bente dos ng tumunog ang cellphone ko, nagtext sakin ang fellow designer ko at eto ang message...
"If you can't get someone out off your mind, it's maybe because he/she was supposed to be there... Remember, the mind can recognize what the heart was trying to deny.."
Awww... tinamaan ako sa quote na yan.. sakit eh... dahil kahit itanggi ko sa sarili ko, apektado ako... halos mag-tatatlong buwan na ang nakalipas pero sa tuwing maalala ko ang mga panahon na yun hindi ko pa din maiwasan masaktan, siguro dahil sa kaibuturan ng pagkatao ko andito pa din siya puso ko. Sabi nga ng isang koreanovela "Isa kang mantsa na gusto kong tanggalin sa buhay ko" pero gaano ko man kagusto na mawala siya sa sistema ko, andun at andun pa din siya.
+++++
May mga oras at panahon na hindi ako makagetover, hindi ko alam kung bakit. May mga pagkakataon na apektado pa din ako... yung tipong "distracted" ako sa lahat ng bagay. Kahit gaano ko lunurin ang sarili ko sa trabaho at serbesa, at the end of the day ramdam ko na hindi naibsan ang sakit dito sa puso ko. Wala sa dami ng trabaho o sa taas ng alcohol content ang makakapawi ng sakit na nandito sa kaibuturan ko.
Totoo siguro yung kasabihan na kung gaano mo kabilis minahal ang isang tao, ganun naman katagal para siya kalimutan. Hindi ko alam kung may herbal remedy para sa pusong sugatan, pero kung meron man sana eh makahanap ako. Gusto ko na gumaling... gusto ko buuin muli ang sarili ko... gusto kong makalimutan lahat ng sakit at agam-agam dito sa puso ko. Pero kung sa paanong paraan, yung ang hindi ko sigurado kung paano ko gagawin.
+++++
Huwebes, Disisais ng Setyembre, pasado alas nuweba i-medya ng gabi, nagkita tayo ng di inaasahan sa terminal. Hindi ko man aminin sa sarili ko, alam ko nagagalak ako na muli kita nakadaop palad. Di man kagaya ng dati, ayos na rin. Pero alam ko sa sarili ko na sa kabila ng matatamis mong ngiti at mainit mong pagbati, ramdam ko pa din ang sakit at pait dito sa puso ko. Hindi ko na hinahangad na maging akin ka, ang nais ko lang ay maging iyo ako. Pero dapat akong mamulat na malayo sa apuhap ng aking mga mata na magkatotoo ito. ganun pa man nais kong malaman mo na andito ka lang lagi sa puso't isipan ko. Sana minsan maramdaman ko na ganun ka din sa akin.
+++++
Ilang buwan ko na din piniplit na maregain ang composure ko, pero hanggang nagyon bigo ako. I'm still picking up all the broken pieces of me at khit anong gawin kong pretention, I know that my ship is already sinking.
Bukas magbibirthday ako, pero ngayon lang magdadaaan ang birthday ko na wala akong definite na plano. Nga pala sana bukas pag gising ko maapuhap ko na ang sarili ko, at yun ang pinkamagandang regalo para sa akin. Ang muling mabuo ang basag kong pagkatao...
+++++
I always knew that you'd be my favorite scar...
Subscribe to:
Posts (Atom)